Patuloy na nag-aalburoto ang bulking Anak Krakatau makaraan itong sumabog, na pinaniniwalaang nagresulta sa pananalasa ng tsunami sa Sunda Strait, Indonesia, kung saan mahigit 280 na ang nasawi.

Sa aerial footage nitong Linggo ng hapon, makikita ang patuloy na pagputok ng bulkan, na nasa pagitan ng Java at Sumatra.

Inaasahan naman ng disaster agency ng bansa na patuloy pang madadagdagan ang bilang ng nasawi, habang libu-libo ang sugatan at maraming gusali ang nawasak dulot ng tsunami, na nanalasa nitong Sabado ng gabi. Reuters
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'