ISANG tulog na lamang at muli nating ipagdiriwang ang araw ng Pasko, at para sa mga wala pang Christmas travel itinerary, baka nais niyong subukan ang “sparkling getaway” sa Central Luzon o sa Northern Mindanao, ang tahanan ng pinakamasayang piyesta ng mga pailaw sa Pilipinas.

Bukod sa may pinakamahabang panahon ng pagdiriwang ng Pasko sa buong mundo, kilala rin ang Pilipinas sa pagdaraos ng dalawang malaking Christmas festivals taun-taon—ang Giant Lantern Festival ng Pampanga at ang Christmas Symbols sa Misamis Occidental, na puno ng makukulay na pailaw hanggang sa pagsapit ng Bagong Taon.

GIANT LANTERN FESTIVAL

Ang Lantern Festival, na kilala sa Pampanga bilang “Ligligan Parul”, ay matagal nang tradisyon ng probinsya sa nakalipas na siglo—maging noong mga panahong wala pang kuryente sa lugar.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Tuwing ikatlong linggo ng Disyembre, nagtitipun-tipon ang iba’t ibang bayan at mga barangay sa probinsiya upang makilahok sa lantern competition na nagtatampok ng kani-kanilang pinakamaganda at kakaibang disenyo ng malalaking parol.

Ang dambuhalang parol, na may standard na sukat na 20 talampakan, ay gawa sa kawayan at steel frames, colored fiberglass o plastics na pinaiilawan ng mahigit 10,000 bumbilya na manu-manong pinaaandar ng mga lumang rotor.

Ang rotor ang nagsisilbing sequencer na nagdidikta ng ‘dancing lights’ intricate routine’ na tila umiindak ng ayon sa tugtugin at mga musikang pamasko.

Mahigit 110 taon na ang paggawa ng mga dambuhalang parol sa probinsya, na nagiging pagarbo nang pagarbo kada taon.

“Many people can imitate how we build this lantern, but they can never take the heart that goes with its creation,” pagbabahagi ni Alex Patio, pinuno ng 2018 Giant Lantern Festival committee.

Ngayong taon, 11 kalahok ang naglaban-laban. Habang katulad na mga pailaw ang idi-display sa iba’t ibang bahagi ng Pampanga.

CHRISTMAS SYMBOLS FESTIVAL

Sa katimugang bahagi ng bansa, kumikinang ang mga istruktura na kilala sa buong mundo sa isang lugar.

Ang Christmas Symbols Festival ay isang buwan na aktibidad kung saan nagkakaroon ng replica ang kilalang mga lugar sa buong mundo para sa panahon ng Pasko.

Ngayong buwan, ang paglalakbay sa Tangub ay maihahalintulad sa pelikulang 80 Days Around the World, kaiba lamang na aabutin lamang ng isang oras o dalawa para masulyapan ang “the must visits” sa halos lahat ng bahagi ng mundo.

Upang mas makatotohanan ang “trip around the globe,” binibigyan ang mga bisita ng “Tangub passport booklet” sa kanilang pagbisita sa magarbong 2018 display ng pista.

Inaasahang tatagal ang exhibit hanggang Enero 2019.

PNA