EXCITED si Jessy Mendiola na sumakay ng float para sa Parade of Stars ngayong 2018 Metro Manila Film Festival, para sa The Girl in the Orange Dress dahil first title role niya ito.

Bagay kay Jessy ang karakter na Anna at may chemistry sila ni Jericho Rosales kaya ipinaglaban siya nina Quantum producer, Atty. Joji Alonso at Direk Jay Abello.
Abut-abot naman ang pasalamat ng aktres sa magagandang komento ng print media/online writers at bloggers na dumalo sa special screening ng The Girl in the Orange Dress.
Sa tanong kung mababago na ang tingin kay Jessy ng bashers kapag napanood ang pelikula: “Sana naman, pero it’s given naman po na hindi lahat magugustuhan ako. Ang wish ko lang, talaga sana magustuhan ng mga tao ‘yung pelikula, hindi lang ako, kundi ‘yung story at kung paano kami nagtrabaho kasama ang isa’t isa. The whole film itself. ‘Yun po sana ang gusto kong Christmas gift, sana magustuhan ng lahat, matuwa sila,” say ng aktres.
Magiging aktibo na ba ulit si Jessy sa pelikula o teleserye?
“Siguro I’m back, nae-enjoy ko ulit ang acting, pero ‘yung mamahalin ulit ako ng tao, siguro naman kahit hati kasi alam naman nating imposibleng mangyari ‘yun na mahalin ka ng lahat, ‘yun lang po talaga.”
Makailang beses tinanong nina Echo at Jessy kung talagang nagustuhan ng mga nanood ang pelikula dahil parang hindi sila naniniwala, ha, ha, ha.
Sina Via Antonio at Hannah Ledesma ay kinikilig pala habang nanonood ng The Girl in the Orange Dress at nalimutan nilang kasama pala sila sa pelikula.
“Nu’ng in-open na nila (Jessy at Echo) na sila na, naging faney akong bigla, nalimutan ko na nandoon ako sa film. Totoo pala talaga ‘yung sinasabi sa promo na iiyak ka, tatawa ka, kikiligin ka, totoo talaga ‘yung sinasabi ng mga artista na they fall in love in the most unexpected times na parang you can fall in love with ordinary people and ‘yung mga nakakasama ko rin (artista) na sobrang sikat, sinasabi nilang it amazed them kapag ‘yung taong kausap nila ay parang hindi na-starstruck sa kanila, they value them,” sabi ni Via.
“ T i n r y k o n g panoorin din ang movie from a third person point of view na hindi kasama, so the whole time naka-ngiti lang ako, nakakakilig pala. I’m very proud of this film and very proud of the cast, lahat. I’m sure mae-enjoy ‘to ng lahat,” say naman ni Hannah.
Samantala, follow-up ito sa nasulat namin dito sa Balita kahapon tungkol sa posibleng pagpo-propose ni Luis Manzano kay Jessy pagkatapos ng 2018 o early part ng 2019. Hiningan namin ng komento si Jessy tungkol dito.
“Ready naman po ako anytime basta’t siya (Luis). Hindi ko namang sinabing hindi kasi alam kong siya na. Hindi na nagpaka-plastic ‘no?
“Feeling ko hindi po ngayon kasi, he’s the type of guy na kapag alam niyang ‘pag there’s something going on big for me, ayaw niyang sumabay,” nakangiting sagot ng dalaga.
Malamang sa 2019 na? “Tingnan po natin,” tumawang sabi ulit ni Jessy.
Inamin niyang napag-uusapan na raw nila ni Luis ang tungkol sa kasal, pero wala pa siyang alam kung saan ito gaganapin at mangyayari, ang gusto lang niya ay present lahat ng mahal nila sa buhay kaya siguradong hindi ito magaganap sa ibang bansa.
Anyway, abangan ang The Girl in the Orange Dress simula bukas, Disyembre 25 sa maraming sinehan mula sa Quantum Films, Star Cinema at MJM Productions mula sa direksyon ni Jay Abello.
-Reggee Bonoan