Pinaalalahanan kahapon ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga magulang na huwag maging iresponsable at pasaway, at sa halip ay bantayan ang kanilang mga anak laban sa paggamit ng paputok upang hindi maging biktima.

Ito ay ipinahayag ni Duque matapos na maitala ang Department of Health (DoH) ang limang bilang ng mga biktima ng paputok, dalawang araw nang simulan ang monitoring sa mga firecracker-related injuries nitong Disyembre 21.

“Babantayan ninyo ang mga anak ninyo. Huwag na huwag naman kayong papayag na magdadala ng paputok sa inyong mga bahay. Kasi ibig sabihin iresponsable rin kayong mga magulang kung ang inyong mga anak na mga bata ay may naikukubli o naitatagong paputok sa inyong bahay,” paalala ni Duque sa mga magulag, sa isang panayam sa radyo.

Kaugnay nito, base sa Firework-related Injuries (FWRI) Report #2 ng DoH, mula 6:00 ng umaga ng Disyembre 22 hanggang 5:59 ng umaga ng Disyembre 23, ay umakyat na sa lima ang kabuuang bilang ng mga biktima ng paputok.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ang apat na bagong mga biktima ay nasa pagitan ng 6 at 12-anyos.

Dalawa sa mga ito ay mula sa Region VI, isa ay mula sa National Capital Region, at ang isa pa ay mula naman sa Region IX.

-Mary Ann Santiago