Nasagip ng Bureau of Immigration (BI) officers ang siyam pang human trafficking victims, na nagpanggap na turista patungong South Korea, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa ulat ni BI Port Operations chief Grifton Medina kay Immigration Commissioner Jaime Morente, pasakay na ang mga pasahero sa Air Asia flight patungong Taipei nitong Huwebes nang arestuhin sila ng mga miyembro ng travel control and enforcement unit (TCEU).

Ayon kay Medina, inamin nila na ang South Korea ang kanilang huling destinasyon para magtrabaho bilang orange pickers sa isang plantation sa Jeju Island.

Aniya, unang sinabi ng mga pasahero na sila ay bibiyahe bilang mga turista upang manood ng Nanta acrobatic exhibition show, ngunit hindi masagot kung tungkol saan ang presentasyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“When pressed on the actual purpose of their trip, they confessed that they were hired to work in an orange farm with monthly pay of P65,000,” dagdag ni Medina.

Ang mga biktima, na hindi pinangalanan dahil sa ban sa anti-trafficking law, ay i-turn over sa Inter- Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa assistance at imbestigasyon.

-Jun Ramirez