Ang mga atleta ng ONE Championship ay may pagkakapareho, ang pagsasapuso nila ng  halaga ng martial arts tulad ng integridad, danagal, pagpapakumbaba, paggalang, katapangan, disiplina at simpatya.

Bilang pinanghahawakang mabuti ng organisasyon ang kanilang mga prinsipyo, ang mga atleta nila ay ipinapakita naman ang mga ugaling ito sa bawat aspeto ng kanilang buhay, sa loob at labas ng cage na nagbibigay inspirasyon sa kanilang mga tagahanga sa buong mundo.

Para kay Joshua “The Passion” Pacio, ang mga ugaling ito ay isa sa mga importanteng dahilan upang mahubog ang kanyang karakter bilang isang atleta at isang tao.

Para sa reigning ONE Strawweight World Champion, may dalawang katangian na kanyang napaunlad sa kanyang martial arts journey, pagpapakumbaba at pagkakaroon ng simpatya.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Being humble means keeping your feet on the ground no matter what,” paliwanag ni Pacio. “It is very easy for success to get to your head, but you should always respect your opponents and thank them for every experience you share with them inside the cage.

“At the end of the day, every experience is a learning experience, and you have to be humble enough to recognize that.”

Sa maikling panahon ay agad tumaas ang ranggo ni Pacio sa ONE Championship strawweight.

Naganap ang kanyang promotional debut noong April 2016 at nanalo sa unang pagkakataon laban kay Robin Cataln sa second round stoppage.

Sinundan niya ito sa pagpapasuko kay Kritsada Kongsrichai sa pamamagitan ng rear-naked choke sa unang round.

Ang pagkapanalo niya laban kay Kongsrichai ay nagbigay daan sa kanya upang malaban si  ONE Strawweight World Champion Yoshitaka “Nobita” Naito sa  ONE: STATE OF WARRIORS noong Oktubre ng parehong taon.

Sa kabila ng paggamit ng malalakas na tira sa unang dalawang round ng kanilang laban, napasuko din siya ni Naito sa isang rear-naked choke sa pangatlong round.

“That loss taught me more about myself than any of my victories,” paglalahad niya. “Winning feels good, but being given the opportunity to discover my weaknesses, that was invaluable. Now, I’ve learned and grown so much. I am a completely different fighter.”

Simula noong unang pagkatalo niya, ginawa ni Pacio ang lahat upang makabalik sa pagkakapanlo sa kanyang weight class sa pamamagitan ng pagpapanalo ng lima sa anim niyang laban sa ilalim ng ONE Championship banner, kasama ang isang unanimous decision na panalo laban kay Naito sa isang rematch sa  ONE: CONQUEST OF HEROES nitong Setyembrre.

“In our position, as global athletes, we have a lot of influence. I want to be a compassionate athlete. I want to show the people that I care beyond the ring or the cage,” banggit niya.

Magbabalik si Pacio sa Enero 19 at may magkakaroon ng panibagong pagsubok sa paglaban ulit kay Hayato Suzuki ng Japan.

Pareho silang maglalaban para sa ONE Strawweight World Championship sa main event ng  ONE: ETERNAL GLORY, na gaganapin sa Istora Senayan, Jakarta, Indonesia.

Una silang nagkaharap noong Agosto 17 sa ONE: KINGS & CONQUERORS kung saan napasuko siya ng Suzuki sa unang round pa lamang.

"Suzuki is more explosive than Naito, and he has more power. I have to work double on my strength and conditioning to enhance my endurance. He's an aggressive martial artist who never stops until he gets your back," sabi niya.

"I should never give my back and work on my takedown defense. I have to set up my strikes more properly, so I can prevent him from taking me to the ground.”

"I think his game plan and technique are one-dimensional. He does the same things repetitively,” he assessed. “He always looks to take the back and go for a rear-naked choke."

“I know that I am ready. I’ve waited for this moment to come. It’s time to settle the score.”