Ibinunyag ng isang kongresista na bukod sa misdeclaration at lane-switching, isang bagong modus o taktika na kung tawagin ay “swinging” ang ginagamit ngayon ng mga sindikato sa pagpupuslit ng iba’t ibang kontrabando sa bansa.

Ayon kay Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Partylist Rep. Jericho Nograles, ang “swinging” operation ay nagiging posible sa Mindanao International Container Terminal Services Inc. (MICT) sa Phividec Industrial Estate complex, matapos ipasya ng ilang Bureau of Customs (BoC) officials na ilipat ang mobile X-ray machine sa designated examination area.

Ayon kay Nograles, ang paglilipat sa mobile X-ray mula sa examination area ay nakapagduda sapagkat nagiging madali sa smugglers na ma-”swing” ang kanilang containers sa loob at labas ng MICT.

-Bert de Guzman
National

SP Chiz, dinepensahan mga umano'y 'blank items' sa GAA: 'Kasinungalingan iyon'