MAHABANG panahon ng pagsasanay at sakripisyo ang pinagdaanan ni Pinoy fighter Joshua “The Passion” Pacio.
Sa pagiging kampeon, tangan ang ONE World straweight championship, asahan ang mas malalaking hamon sa kanyang career, kabilang ang pagsabak kontra Japanese star Yosuke Saruta sa ONE: Eternal Glory sa Enero 19 sa Istira Senayan sa Jakarta, Indonesia.
Premyadong fighter sa kasalukuyan ang 22-anyos na si Picio sa straweight division.
Ngayon pa lamang, usap-usapan na ang laban na ipinapalagay ng marami na isang contender para sa ‘Bout of the Year’.
Bukod sa kanipisan sa grappling skills, maituturing na all-around fighter si Pacio na nakikiensayo sa Team Lakay sa Baguio City, sa pangangasiwa ni coach Mark Sangiao.
Isang kompletong MMA discipline si Saruta na inaasahang magbibigay ng magandang laban kay Pacio.
Kahanga-hanga ang debut fight ni Saruta nitong Disyembre 7 sa ONE: Destiny of Champions nang gapiin ang beteranong si World Champion Alex Silva, via a three-round unanimous decision.
Ang naturang panalo ang naging tiket niya para hamunin si Pacio.
“The ONE strawweight division has been a recently unstable one, with the title changing hands between Pacio, Silva, and former champion Yoshitaka Naito multiple times over the past two years. They say you’re never truly the champion unless you’ve defended your belt,” pahayag ng ONE