Nanindigan kahapon ang pamunuan Philippine Army (PA) na hindi sila makikipagnegosasyon sa mga terorista para sa kalayaan ng dalawang sundalo at 12 na miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) na dinukot sa Sibagat, Agusan del Sur nitong Disyembre 19.

Paliwanag ni 4th Infantry Division (ID) Commander, Major General Ronald Villanueva, hindi sila makikiusap sa grupo ng Communist New People’s Army Terrorist (CNT) kaugnay ng usapin.

“Oo syempre, [Of course], we don’t negotiate and bow down to terrorists,” ayon kay Villanueva.

Ang hakbang ng opisyal ay salungat sa nais na mangyari ng

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Communist Party of the Philippines (CPP) na dapat ay itigil na ng militar ang operasyon laban sa kanilang kilusan upan mapalaya nila ang kanilang bihag.

Sinabi ni Villanueva na umaasa siyang irerespeto ng CPP-NPA ang karapatang-pantao ng mga bihag at hindi sasaktan ang mga ito.

“Nasa kanila ‘yan, they are in their hands and they know very well that these people also have rights, it will impose on them the international humanitarian law,” sabi niya.

Sa kasalukuyan, aniya, nagsasagawa pa rin ng paggalugad ang mga tropa ng pamahalaan sa mga lugar na posibleng pinagtataguan ng mga nasabing terorista.

Matatandaang sinalakay ng mga terorista ang New Tubigon Patrol Base ng militar sa Sibagat, nitong nakalipas na Miyerkules.

-FRANCIS T. WAKEFIELD