KINILALA ng United Nations ang kahalagan ng sports sa grassroots level bilang pinakamabisang behikulo tungo sa pag unlad.

Isang resolusyon ang ipinasa ng UN na may titulong “Sport as an enabler for sustainable development.”

Ito ang resolusyon na hinango at siyang ipinirisinta sa UN General Assembly na ginanap sa New York City.

Hinihikayat ng nasabing resolusyon ang mga miyembro ng estado at ilang stakeholders na ituon sa pagsasagawa ng mga sports activities na pinaniniwalaan na makakatulong sa pag unlad ng isang bansa.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Kinilala din ng UN ang mahalagang papel na ginagampanan ng Olimpiyada sa pamamagitan ng pagsulong sports.

Naiprisinta ang nasabing resolusyon sa biennial report ng UN Secretary General para sa sport na gamitin sa pag unlad at kapayapaan.

Matatandaan na una nang naisagawa ng Philippine Sports Commission (PSC) ang panawagan na ito ng UN.

Sinimulan ng PSC ang pagdayo sa mga liblib na pook upang ipakilala sa mga kabataan amg kahalagahan ng sports.

Sa pamamagitan din ng Chidren’s Games ay pinasok ng PSC ang Marawi City na minsang naipit sa labanan ng Militar at rebeldeng grupo.

Sa ngayon ay tuloy pa rin ang mga proyekto ng PSC upabg isulong ang palakasan bilang susi sa kapayapaan at pag unlad.

-Annie Abad