LUMASAP ng kabiguan ang mga Pilipinong sumabak sa iba’t ibang bansa sa pangunguna ni three-time world title challenger Mark John Apolinario na pinatulog sa 4th round ni dating Japanese super bantamweight titlist Tusaku Kuga kamakalawa ng gabi sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Natalo naman sa kontrobersiyal na 12-round unanimous decision si Orlie Silvestre kay two-time world title challenger Thai Teeraphong Utaida nitong Disyembre 19 sa Pancharoen Market, Sai Noi, Thailand.

Nabatid na lamang sa bigwasan si Silvestre pero natalo sa puntos sa tatlong huradong Thai judges kaya naisukbit ni Utaida ang bakanteng IBF Pan Pacific flyweight belt.

Sa Pyramide, Kazan, Russia nitong Disyembre 19 din, natalo naman si dating world rated Alvin Lagumbay kay Gor Teritsyan ng Armenia via 2nd round TKO na napagwagihan ang bakanteng WBO Youth welterweight title.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

-Gilbert Espeña