IBINIDA ng pamahalaan ng China at ng Department of Health (DoH) nitong Lunes ang bagong tapos na P350 milyong regional drug treatment sa Sarangani sa Alabel.
Pormal na itinurnover ng kinatawan mula Chinese Embassy sa Manila sa mga opisyales ng DoH ang tatlong ektaryang modernong pasilidad, na natapos ng siyam na buwang mas maaga sa inaasahan.
Ang proyekto, na may contract period na 2 buwan, ay isinakatuparan ng China Aid sa pamamagitan ng state-owned China State Construction Engineering Corp. Ltd. (CSCEC).
Ayon kay Jin Yuan, commercial counselor ng Chinese embassy, ipinakikita ng pasilidad ang kooperasyon ng China at Pilipinas, gayundin ang pagsisikap ng probinsiyal na pamahalaan ng Sarangani.
Pinuri rin niya ang grupong na mahala sa proyekto mula sa CSCEC para sa “hard and excellent work on this project” at sa pagsisiguro na matatapos ito bago sa itinakdang panahon.
“Without the concerted efforts, we cannot make this dream come true,” aniya sa turnover ceremony ng rehab center.
Malaki naman ang pasasalamat ni Health Secretary Francisco Duque, na suportado ang proyektowho accepted the project, sa pamahalaan ng China para sa ibinigay na suporta sa pagtatayo ng proyekto, na sinabi niyang isa sa pinakamoderno sa bansa.
Ayon kay Duque, malaking tulong ang pasilidad para sa kampanya ni Pangulong Duterte laban sa ilegal na droga.
Dagdag pa niya, ang DoH ang mamamahala sa pasilidad, na maglalagay ng nararapat na mekanismo upang masigurong magagamit ito nang tama.
“The first-ever modern rehabilitation center (in Soccsksargen) is committed to strengthening the prevention and treatment of substance abuse, including narcotic drug abuse and the harmful use of alcohol,” aniya.
Ibinahagi rin ni Duque na pormal na magsisimula ang operasyon ng center sa susunod na taon na tatanggap ng mga pasyente mula sa iba’t ibang bahagi ng Soccsksargen, na sumasakop sa mga probinsiya ng South Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at North Cotabato, at ang mga lungsod ng General Santos, Koronadal, Tacurong, Kidapawan, at Cotabato.
Tinawag na Soccsksargen Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center, ang dalawang palapag na pasilidad ay naglalaman ng kumpletong amenities at idinesenyo bilang ‘coutyard.’ Nasa 6,707 square meters ang floor area ng center at may kabuuang kapasidad na 150 beds.
Kasama sa pasilidad ang treatment at recovery units, admission/administration building at clinic, sports area, training center, visitor’s pavilion, transition villas, male at female dormitory, staff house, motorpool, at multi-purpose covered court.
PNA