Nagtakda na ng suggested retail price (SRP) ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa ilang produktong pang-Noche Buena.

Nangangahulugan ito na hindi basta-basta makapagtataas ng presyo ng hamon, keso de bola, at mga sangkap sa fruit salad at spaghetti.

Base sa record, ang hamon na 500 grams ay mabibili ng P137 hanggang P169; ang isang kilong hamon ay nasa P255-P945; ang pinakamaliit na keso de bola ay nasa P169, habang ang pinakamalaki—na nasa 750 grams—ay nagkakahalaga ng P435-P495.

Para sa maghahain ng spaghetti, ang sauce ay nasa P32-P82; ang fruit cocktail ay P49 ang pinakamaliit na lata at P191 ang pinakamurang pang-three kilograms na lata.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang pinakamaliit na keso ay nasa P48, habang ang pinakamalaki ay P118, samantalang ang tomato sauce, elbow at salad macaroni ay naka-SRP din, maging ang all-purpose cream

-BETH CAMIA