NAGKOMENTO si Miss Australia Francesca Hung tungkol sa pagiging half-Australian ni Miss Universe 2018 Catriona Gray. Ito ay pagkatapos bumandera sa isang Australian tabloid ang larawan ni Catriona pero sa halip na in-acknowledge as a Filipina, nilagyan ng ekis ng tabloid ang salitang “Philippines” at pinalitan ng “Queensland”.

Francesca copy

Ang Queensland ay isang maunlad na bayan sa Australia, kung saan umano ipinanganak si Catriona. Ang ama ni Catriona na si Ian Gray ay isang Australian, habang Pilipina ang ina niyang si Mita Magnayon, mula sa Oas, Albay.

Inamin ni Francesca na sa simula pa lang ng international beauty pageant ay si Catriona na ang “biggest threat” sa kanya “because she is half-Aussie”.

Tsika at Intriga

Maris Racal umamin na bakit may twinning shoes sila ni Anthony Jennings

Sina Francesca at Catriona ay parehong kandidata sa katatapos lang na Miss Universe 2018 pageant, na ginanap sa Bangkok, Thailand nitong Lunes.

Via live feed, nakapanayam si Francesca ng Australian morning show na The Morning Show on 7, nitong Martes (Philippine time).

Tinanong si Francesca kung kumusta si Catriona sa likod ng camera.

“She’s like any other Aussie girl. She grew up in Australia, so she has the same sort values and ideals,” sabi ni Franchesca.

Dugtong pa ni Francesca, isinilang talaga si Catriona para maging Miss Universe.

“She was born for this role. She’s a well-brought up pageant girl.”

Tinawag din niyang “amazing” si Catriona at karapat-dapat na maging spokesperson ng Miss Universe.

Nauna rito, maraming Pilipino ang hindi nagustuhan ang lumabas sa Australian tabloid na The Courier Mail Australia nang inekis ang “Philippines?” bilang bansa ni Catriona, at pinalitan ng “Queensland”.

Nakalagay sa report na si Catriona ay isinilang sa Cairns, Queensland, Australia. Doon din daw nagsimula ng modeling career si Catriona sa edad na 14.

Samantala, sumagot din si Francesca sa akusasyong pinagtawanan umano niya, kasama ang iba pang kandidata, si Miss Vietnam H’Hen Nie dahil hindi ito marunong magsalita ng English.

Sa isang Instagram video, makikita sina Miss USA Sarah Summers, Miss Colombia Valeria Morales, at si Francesca na nagsasalita tungkol sa limitasyon ng English ni Miss Vietnam.

“In the days leading up to the final, I kinda processed in my head that it could perhaps have a negative affect on my placement,” sabi ni Franchesca.

“I’ll never know if it did or not, but I made top 20, and I’m happy with that.”

Nagkaroon daw siya ng panic attack dahil sa maraming pambabatikos na nakuha niya sa social media.

“I deleted my Instagram at one point, and I just didn’t look at anything. After a while I realized that I can’t change other people’s perspective of me.

“As long as I know my intentions were pure, people around me know me… They know that I would never say anything like that deliberately.

“So, I just had to be okay with that and let other people say what they wanna say,” pagtatapos ni Franchesca.

-Ador V. Saluta