Maging ang Manila City government ay naghayag na ng suspensiyon ng trabaho sa Disyembre 26.

Alinsunod sa Executive Order 45 na nilagdaan ni Manila Mayor Joseph Estrada, walang pasok ang mga empleyado sa Manila City Hall sa nasabing petsa, o isang araw makalipas ang Pasko.

Aniya, layunin nitong mabigyan ang mga empleyado ng pagkakataon na makasama nang mas matagal ang kanilang mga kaanak at mga mahal sa buhay.

Nilinaw ni Estrada na may pasok pa rin ang mga nagtatrabaho sa rescue at medical teams.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Hindi rin naman kasama sa work suspension ang mga nasa Manila Health at Manila Department of Social Welfare.

-Mary Ann Santiago