SA mga interviews kay Lea Salonga ay laging itinatanong kung kailang uli sila magtatambal ni Aga Muhlach.

Lea copy

“I don’t think it’s gonna happen but I feel happy na makalipas ang maraming taon ay they remember our movie with fondness. Magandang alaala ang iniwan din sa akin ng Sana Maulit Muli.”

Katatapos lamang mag-record ni Lea ng isang Pilipino album na may titulong Bahaghari. Tampok dito ang mga traditional folk songs na inawit sa iba’t ibang lengguwahe tulad ng Bisaya, Kapangpangan, Ilonggo at Tagalog.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

Ang Bahaghari ay proyekto ng national artist na si Maestro Ryan Cayabyab at ng GLP Music founders na si Angela Jackson at Rex Nishwander.

Sa mga achievements ni Lea sa mundo ng musika at entablado both local at foreign ay marami ang nagsasabing deserving siyang maging national artist.

“Honestly hindi ko ito iniisip nor entertain. It is not even a motivation for me. Kung mangyayari, edi salamat, at kung hindi ay salamat din. Maligaya ako when artists are recognized for doing so much para sa ating bansa.”

Sa pagkakapanalo ni Catriona Gray bilang Miss Universe 2018 ay isa si Lea na nagpahayag na malaki ang chance nitong manalo dahil sa kanyang strong presence, determination at intelligence. There was a time na naging judge din

-REMY UMEREZ