Sa loob ng ilang linggo, tumaas ang bilang ng mga pampublikong aktibidad at nagsulputan ng ilang tao, mga kakandidato sa darating na midterm elections, gaya ng iniulat ng media, kasabay ng nagkalat na tarpaulin at poster na nakabandera ang kani-kanilang pangalan at larawan.
Sila ay kandidato sa isang posisyon o sa gobyerno, kahit na hindi nila itong direktang sinasabi. Hanggat maaari ay nais nilang madalas na makita ang kanilang litrato at pangalan sa media. Sa pagsapit ng botohan sa Mayo 13, 2019, maraming botante ang makakaalala sa kanilang pangalan at, kung walang ibang dahilan, sila ay iboboto.
Mayroong batas laban sa naturang mga poster at publicity – ang Section 80 ng Omnibus Election Code of 1985 – na nagbabawal “any person, whether or not a voter or candidate, to engage in an election campaign or partisan political activity, except during the campaign period.” Layunin nito na mapigilan ang mayayamang kandidato na mahigitan ang kanilang mga kalaban na hindi ganon kalaki ang pondo katulad nila.
Gayunman, sa Republic Act 9639, ang Automated Election System Law, na ipinatupad noong 2007 para sa automated elections sa bansa ay nagsasabing “a candidate is liable for election offenses upon the start of the campaign period.” Kaya ang Korte Suprema, sa ruling sa election case noong 2009, ay nilinis ang pangalan ng isang alkalde na akusado sa maagang pangangampanya noong 2007.
Para sa midterm elections sa darating na Mayo, ang panahon ng pangangampanya para sa senatorial at party-list candidates ay magsisimula sa Pebrero 1, 2019. Para sa iba pang kandidato – gobernador, alkalde, congressman, etc., na may kaunting nasasakupan – ang panahon ng pangangampanya ay magsisimula sa Mayo 30, 2019.
Dahil sa desisyong ito ng korte, nagsisimula nang maglabasan ang mga tarpaulin at poster ng mga kandidato ngayon, gayundin ang kanilang mga litrato at istorya sa media. Ang media coverage ay maaaring maging lehitimo dahil maraming opisyal ang nagtatrabaho sa pamahalaan. Ang hindi lehitimo ay ang atensiyong ibinibigay sa dati o hindi opisyal na nagpapahayag ng opinyon o nagsusulong ng magandang programa.
Isinusulong ng Senate Committee on Electoral Reforms ang panukala na magbabalik sa pagbabawal sa maagang pangangampanya sa pamamagitan ng pagtukoy sa kandidato na naghain ng certificate of candidacy sa panahon na itinakda ng Commission on Elections. Siya ay kandidato sa oras na maghain certificate, hindi sa panahon ng pagsisimula ng kampanya.
Ito ay makatutulong sa patas na laban ng mga kandidato, mayaman o hindi. Iwawaksi rin nito ang hindi pagsasama sa maagang pangagampanya sa regulasyon sa campaign finance at limitasyon sa gastos sa kampanya.