PAALIS ngayong Sabado ng gabi, December 22, si Gelli de Belen at ang husband niyang si Ariel Rivera patungong Toronto, Canada. Excited na silang mag-asawa na makasamang muli ang mga anak na sina Joaquin, 20 at Julio 18, na nag-aaral doon. Pareho na silang nasa college.

Gelli copy

“Si Joaquin ay first year na sa Aviation course niya, si Julio, tungkol sa kinetics,” kuwento ni Gelli. “Mahilig kasing mag-travel si Joaquin kaya iyon ang course na kinuha niya para raw lagi siyang nagta-travel nang libre kapag tapos na siya.”

Hindi ba mahirap na malayo sa kanila ang dalawang anak?

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Hindi naman, dahil palagay ang loob namin ni Ariel, naroon ang mga in-laws ko, ang parents ni Ariel, mga kapatid niya, na nagga-guide sa dalawang bata. Saka ang ganda ng technology, ang daling makipag-communicate sa kanila, anytime p’wede mo silang makita at makausap sa Skype. Twice or thrice a year, pumupunta kami sa kanila, sila once year naman umuuwi rito. Hindi namin kinalilimutang paalalahanan sila at i-inject what is essential habang lumalaki sila. At pareho pa rin silang marunong magsalita ng Tagalog.”

Sa Christmas ay hindi raw naman sila lalabas, magbo-bonding lang silang pamilya sa bahay. Ang hirap daw kasing lumabas dahil puro snow lamang ang makikita. Hindi mai-enjoy mamasyal. Pero this time, bago bumalik ng Pilipinas ay gusto munang makita ni Gelli ang Niagara Falls na frozen.

Tatapusin muna ni Gelli ang last taping day nila ng Afternoon Prime drama series nilang Ika-5 Utos, sa Biyernes, bago ang Christmas break ng mga shows ng GMA.

“Wala kasi kaming nakabangkong eksena. Hindi rin kasi maiiwasan na may days na hindi makapag-taping, kaya ngayon, halos everyday kami nagti-taping, minsan nga nagri-report kami ng 2:00 am, dahil iyong kukunan, airing na at 3:30 pm.”

Biro kay Gelli, pumayat ba siya sa halos pasabog na eksena nila sa Ika-5 Utos na laging may sakitan at tarayan sila nina Jean Garcia at Valerie Concepcion?

“Hindi. Walang pumayat sa amin dahil pagkatapos ng awayan, pagkain ang hinaharap namin,” biro ni Gelli. “Wala naman, kasi kung may nasasaktan man sa eksena, kasama iyon sa trabaho namin, wala lamang sugatan, no problem sa amin iyong may pasa-pasa kami after the take.

“Ang maganda lang, lahat kami ay professionals, kahit ang mga young stars na kasama namin, kaya lagi pa ring masaya ang lahat after the takes.”

Babalik sina Gelli ng January 2, 2019 dahil may taping na sila ng January 3. Napapanood ang Ika-5 Utos daily after ng Asawa Ko, Karibal Ko.

-NORA V. CALDERON