Aabot sa 26 na miyembro ng New People’s Army (NPA) at tatlo pang tagasuporta ng kilusan ang sumuko sa Nueva Vizcaya, kamakailan.

Ayon kay 5th Infantry Battalion (IB) spokesperson, Major Jefferson Somera, ng Philippine Army (PA), ang mga rebelde ay sumurender sa 54th IB sa Poblacion Ambaguio sa nabanggit na lalawigan, sa tulong na rin ng local government officials at ng mga residente.

“This is another batch of Communist-NPA-Terrorist members, who surrendered to the local authorities and soldiers belonging to the army’s 54th Infantry Battalion at Poblacion, Ambaguio, Nueva Vizcaya,” ayon kay Somera.

Ang 26 na rebelde at tatlong supporter ng kilusan ay nitong nakarang linggo pa sumuko, ngunit kahapon lang isinapubliko ang detalye nito.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Isinuko rin ng mga ito ang tatlong high-powered firearms: isang M16 Armalite rifle, isang carbine, at isang Garand rifle.

-Freddie G. Lazaro