Katulad noong nakaraang taon, target ng Philippine National Police (PNP) ang “zero incident” sa indiscriminate firing ngayong Bagong Taon.

Ayon kay PNP chief, Director General Oscar Albayalde, natuto na ang mga pulis sa paulit-ulit na paalala hinggil sa pagbabawal magpaputok ng baril sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Aniya, ipinamalas ng mga pulis ang pagiging responsable sa paggamit ng armas kaya hindi na kailangang selyohan ang kani-kanilang baril.

Kaugnay nito, sinabi ni Albayalde na hindi siya pabor sa pagseselyo dahil nagmumukhang katawa-tawa ang mga pulis na kailangang tanggalin muna ang tape sa baril bago ito gamitin kung kinakailangan.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Dagdag ni Albayalde, kung mayroon pa ring pasaway na mga pulis, agad na ire-relieve sa puwesto, sasampahan ng kasong administratibo, at sisibakin sa serbisyo sa oras na mapatunayang nagkasala.

-Fer Taboy