TINANGHAL na overall champion ang Team Philippines sa World Electronic Sports Games SEA Finals matapos magwagi ng tatlo sa pitong championships nitong Linggo sa Quill City Mall sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Nakopo ng Pinoy e-Gamers TNC Predator at ArkAngel ang gintong medalya sa Dota 2 at CS:GO Female, ayon sa pagkakasunod, habang nagwagi si Caviar “EnDerr” Acampado sa Starcraft II.
Naiuwi rin ng TNC ang silver medal sa CS:GO, habang sumegunda si Euneil “Staz” Javinas sa Hearthstone.
Nakasiktwat din ng silver medal si Cara “Caracute” Vergel De Dios sa Hearthstone Female.
Bukod sa medalya, naiuwi rin ng Pinoy ang cash prizes at slots para sa WESG 2018 Global na gaganapin sa Chongqing, China sa Marso.
Naibulsa ng TNC Predator at ArkAngel ang tig-US$ 7,500 (P375,000), habang kipkip ni Acampado ang US$ 3,750 (P185,000). Nagwaginaman ang TNC sa silver medal place ng US$4,500 (P225,000) at naibulsa ni Javinas at US$ 2,250 (P112,500) at si DeDios ay may US$ 750 (P37,500).
Inilunsad ang WESG noong 2016 ng China’s Alibaba Sports upang mapalawig ang programa at development ng eSports na isa na ring Olympic sports. Ngunit, taliwaqs sa Olympic style tournament eSports na may multi-national sa teams, ang WESG ay tumatanggap lamang ng mga koponan na may players mula sa iisang bansa.
Ikinatuwa naman ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang panibagong tagumpay ng Pinoy sae Sports – isa sa pinakabagong pro sports na pinangangasiwaan ng ahensya.
“As what I said before eSports is bigger than any other sports in the future. Kaya, pasalamat tayo at kasama ang Pilipinas sa mabilis na kaunlaran nito. Hindi tayo maiiwan, kaya kami sa GAB ay patuloy na nagbabantay sa kanilang mga programa,” pahayag ni Mitra, dating Palawan Governor at Congressman.
Inamin ni Mitra na bukod sa nagkakaisa ang mga organizers at stakeholders sa eSports, lumalaki ang bilang ng Pinoy na sumasabak sa naturang sports.