NAPUKAW ng nakakaantig na istorya ni Miss Universe Vietnam 2018 H’Hen Niê ang mga puso ng netizens.

H’Hen Niê copy

Mula sa pagiging isang kasambahay sa pagiging Miss Universe contestant, si Nie ay itinanghal na Miss Vietnam noong Enero 6, 2018.

Galing ang 26 taong gulang na modelo mula sa Ede o Rade ethnic minority group.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“I was born in a family with six brothers and sisters. My mother and father are both farmers,” sabi ni Nie sa kanyang VTR.

Bilang bahagi ng tradisyon, si Nie ay hinimok ng kanyang mga magulang na magpakasal sa edad na 14 ngunit tinanggihan niya ang kaugalian, at sa halip ay nag-aral ng Business Finance a College of Foreign Economic Relations sa Ho Chi Minh City at nanirahan siya sa Saigon.

Sinabi rin ni Nie na siya ang unang babae mula sa tribu na naging Miss Universe Vietnam.

“The ethic minority that I am from makes up approximately 5% of Vietnam’s population,” aniya.

Ayon sa @missuniversevietnam’s Instagram post, “(Nie has) tried her hands in several jobs such as a maid, tutor, leaflet deliverer, and model to help pay for her studies and life in the city.”

“Growing up as an ethnic minority in Vietnam, I have seen firsthand that education is the only way to break the cycle of poverty,” post naman ni Nie sa kanyang official Instagram account.

“I want children everywhere to flourish, dream big and have the resilience to overcome obstacles,” dagdag pa niya.

Pumasok si Nie sa mundo ng modelling noong 2014 at sumali sa Vietnam’s Next Top Model noong 2015.

Lumahok naman siya sa Miss Universe Vietnam pageant makalipas ang dalawang taon.

Nakalusot sa Top 5 si Miss Vietnam sa Miss Universe 2018 pageant.

“From nothing, here I am. I can do it so you can do it too!” sabi pa ni Nie.

-KATHERINE MARAJAS