ANG pagdalo sa Simbang Gabi o Misa de Gallo sa loob ng sunud-sunod na siyam na araw ay isa sa pinakanatatanging tradisyon ng Pasko sa Pilipinas.

Simula Disyembre 16 hanggang 24, nagsisikap ang mga Pilipino na gumising ng madaling araw upang dumalo sa Misa, na kalimitang nag-uumpisa ng 4:00 ng umaga, upang idalangin sa Diyos ang magandang buhay, matagumpay na propesyon, mas malapit na pamilya at marami pang iba.

Gayunman, habang ang mga araw ng Simbang Gabi ay pumapatak sa gitna ng tinatawag na ‘holiday rush’ kasabay ng kabi-kabilang mga Christmas parties, matinding trapik at malls na puno ng mga taong namimili ng kanilang mga panregalo sa kanilang mga mahal sa buhay, tila natatanong sa isip ng ilan kung may panahon pa ba ang mga tao para isabuhay ang tradisyong ito.

Mahalagang ipabatid na karamihan sa mga Katolikong Pilipino at dumadalo pa rin sa Simbang Gabi sa kabila ng kanilang abalang buhay dahil naniniwala sila na kapag nakumpleto nila ang siyam na misa, maaaring matupad ang kanilang dalangin.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Para kay Cherry Rose Datiles, isang overseas Filipino worker sa Spain, ang kanyang hiling na makapagtrabaho sa abroad ay natupad nang matapos niya ang siyam na misa ng Simbang Gabi.

“Bago ako pumunta ng Spain, nagsisimbang gabi ako kahit na pagod ako sa paghahanap ng trabaho. Kapag nakumpleto mo daw kasi yung nine na misa, matutupad yung wish mo. Wish ko kasi talaga dati pa na makapagtrabaho ako sa ibang bansa. May kulang nga ako na isa, pero natupad pa din yung wish ko after ng taon na yun,” pagbabahagi ni Datiles sa Philippine News Agency (PNA).

Habang naniniwala naman ang iba na ang pagdalo sa Simabang Gabi ay hindi tungkol sa hiling, ngunit bilang bahagi ng tradisyon ng kanilang pamilya at pananampalataya.

Sa kabutihang-palad, ilang simbahan sa bansa ang nagdesisyong magdaos ng kanilang Misa sa gabi upang mapunan ang mga estudyante at empleyado.

Isa rito si Rosemarie Quimbao, private sector employee, na kalimitang dumadalo ng misa sa National Shrine of the Sacred Heart sa Makati City matapos ang kanyang trabaho.

Aniya, ipinagdarasal niya ang kanyang kapatid na diabetic at regular na sumasailalim sa dialysis.

“I make it a point to attend the Masses after office as this gives me the opportunity to be closer to God. I hope that the Lord will be able to comfort my brother get through his illness. I also pray that my mother who is now in her 70’s will be able to have good health,” pagbabahagi ni Quiambao.

Ang ilang mga kuwento ng mga taong ito ay patunay lamang na sa kabila ng holiday rush kasama ng kabi-kabilang distraksiyon sa buhay, naglalaan pa rin ang mga Pilipino ng panahon upang mapanatili ang tradisyon na sinasabing nagmula pa sa mga Espanyol para sa mga magsasaka na dumadalo sa misa bago magsimula ng kanilang trabaho sa umaga.

Nananatiling matatag na tradisyon ang Simbang Gabi sa Pilipinas.

PNA