BASTA sa larangan ng UAAP basketball, kilala ang 20-year old basketball player na si Ricci Rivero. Una siyang naglaro sa De La Salle Green Archers for two years, ngayon naman ay nasa UP Fighting Maroons siya at sa Gilas Pilipinas Cadets.

Ricci copy

Pero ngayon, nakikilala na rin si Ricci sa larangan ng showbiz. Kasama siya sa cast ng pelikulang OTLUM, isang ghost story mula sa Horseshoe Studios at idinirihe ni Joven Tan.

Masaya ang group na kinabibilangan nina Jerome Ponce, Michelle Vito, Vitto Marquez at Danzel Fernandez nang malaman nilang napabilang ang OTLUM sa walong official entries sa 44th Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula na sa Christmas Day, December 25, in cinemas nationwide.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Bakit naisipan ni Ricci na pasukin ang showbiz?

“Bata pa po ako fan na ako ng local movies at number one fan yata ako ng KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), lahat ng movies nila pinapanood ko,”kuwento ni Ricci sa grand mediacon ng movie.

“Then, nag-transfer ako from DLSU (De La Salle Univesity) to UP (University of the Philippines), kaya hindi ako puwedeng maglaro for one year. Then may mga inquiry na kung gusto ko raw mag-artista.

“At my age, gusto ko namang mag-try ng ibang bagay, kaya sabi ko, bakit hindi ko i-try kaysa wala naman akong gagawin. Now, I’m enjoying what I’m doing at kung sakali, baka p’wede ko namang pagsabayin ang acting at playing basketball.”

Kahit pala si Direk Joven ay nagulat na may mga requests sa kanya na kunin niyang artista si Ricci, lalo na para sa mga pelikulang pang-millennials.

“Hindi ko kilala si Ricci, pero minsan, napadaan ako sa isang mall show at narinig ko ang tilian ng mga fans,” kuwento ni Direk Joven.

“Siyempre, kailangan ko munang malaman kung bakit siya pinagkakaguluhan ng mga fans, nalaman ko sa Google kung sino siya. Kaya bakit nga hindi ko i-try i-offer sa kanya ang isa sa characters sa OTLUM na that time ay nagka-casting na ako. At least, may bago sa grupo ng cast ko. Bale dalawa sila, si Ricci at si Danzel na taga-La Salle din.”

Happy si Direk Joven na nakapasok sila sa MMFF 2018 at ayaw niyang patulan ang mga negative comments na natatanggap niya. Maganda ang sagot niya sa mga patuloy na nagtatanong at nang-iintriga.

“Masaya ako na nakasali kami. Open na ako kung ano ang kahihinatnan ng aming movie. Kung makapasa sa panlasa ng mga manonood, okay, kung hindi naman, at least nag-try kami at nagustuhan ng screening committee ang aming entry. Salamat sa inyong lahat.”

Dalawa lamang ang entry sa horror/suspense thriller genre ng MMFF 2018, ang OTLUM at Aurora ng Viva Films na pinagbibidahan ni Anne Curtis at idinirehe ni Yam Laranas.

-NORA V. CALDERON