ROMANTIC-COMEDY na pampamilya ang Mary, Marry Me na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga, Sam Milby at Alex Gonzaga, ang official entry ng production company nina Paul Soriano at Toni (Ten17P Films/TinCan Production) sa 44th Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula na next week, sa mismong araw ng Pasko.

Alex, Toni, Sam at Direk RC (DINDO)

Gaganap sa kanilang real-life relationship sina Toni at Alex, bilang si Mary Jane (Toni) na wedding coordinator sa kasal ng kanyang sister na si Mary Anne (Alex) kay Pete (Sam).

Mukhang riot sa katatawanan ang pelikula, lalo na’t nag-excuse si Paul Soriano na idirihe ito, kaya ang long-time assistant director niyang si RC delos Reyes ang namahala ng Mary, Marry Me, para hindi maging conscious si Toni sa ginagampanang role.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Common knowledge na nagkaroon ng MU o mutual understanding noon sina Sam at Toni, bago pa man dumating si Paul sa buhay ng huli.

Ni hindi nga raw bumabad sa set si Paul habang ginagawa nila ang pelikula.Concept ni Toni ang pelikula na dinebelop ng creative team ng production company nilang mag-asawa, at tumulong din ang Star Cinema.

Sa kuwento, na-realize ni Toni na mahal pa niya ang dati niyang boyfriend. Pero bago pa man niya ito naamin, nagtapat na si Alex na may namamagitan na sa kanila ni Sam.

Matutuloy ba ang kasal ni Alex sa kanyang dream man o ipauubaya niya ito sa nakatatandang kapatid?

Sa tunay na buhay, hindi pa nangyari ang ganitong sitwasyon kina Toni at Alex, dahil tuwing may nali-link sa ate ay matik nang older brother ang nagiging tingin ng bunso sa guy.

Kaya interesting kung paano ita-tackle ng magkapatid ang roles na hindi pa nila naranasan sa totoong buhay.

Malakas at consistent ang box office records ni Toni at rom-com talaga ang hinahabol ng moviegoers sa kanya. May potential na maging isa sa surprise biggest earner sa MMFF 2018 itong Mary, Marry Me.

-DINDO M. BALARES