Laro Ngayon

(Ynares Sports Center)

7 pm -- Alaska vs. Magnolia

TANGAN ang bentahe, target ng Magnolia Hotshots na tuluyang masikwat ang titulo sa pagratsada ng Game 6 ng 2018 PBA Governors Cup Finals kontra Alaska Aces.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Gaganapin ang duwelo ng best-of-7 series sa Ynares Sports Center sa Antipolo City ngayong 7:00 ng gabi.

Bunsod nito, asahan ang mag determinadong Aces na nanganko na hihilayin ang serye sa winner-take-all!

Bagamat nakalalamang, batid ng Hotshots na pinakamahirap sa ganitong laban ay ang pagtapos o pagkopo ng huling panalong pormal na magbibigay sa kaniña ng korona.

Gayunman, sa halip na kabahan mas nangingibabaw sa kanila ang excitement para sa pagkakataong muling magkampeon.

“Siyempre, sobrang excited pero hindi mo kailangan ilagay sa isip mo na ganun ka-excited,” pahaysa ni Hotshots big man Ian Sangalang na syang nagtapos na topscorer para sa koponan noong Game 5.

“Bawat possession dito importante, kung gaano kahirap yung ngayon, alam ko mas mahirap next game,” dagdag nito.

Para naman sa Aces, bagamat nasa alanganing sitwasyon, fovus lamang sila sa dapat gawin sa laban ngayong Game 6 na itinuturing nilang pinakamahirap na do or die game na pagdadaanan nila ngayong taon.

“Still it’s a one-game series for us, just like it is for them. We’re not looking forward to Game Seven. Game Six is do-or-die for both. I’m pretty sure they don’t wanna go to Game Seven.” ani Aces import Mike Harris.

“For us, we wanna go to Game Seven,” pahabol nito.

-Marivic Awitan