Matatanggap na ng nalalabing 2.6 milyong pamilya na benepisyaryo ng unconditional cash transfer (UCT) ng pamahalaan ang kanilang R2,400 cash grants bago matapos ang taon.

Sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Florita Villar na naihanda at nai-upload na ng kagawaran ang payroll documents para sa R2,400 UCT grants ng 8,603,905 benepisyaryo sa Land Bank of the Philippines.

Ayon kay Villar, ang natitirang 2,600,000 na benepisyaryo ay inaasahang mabibigyan na ng petsa sa pagkuha ng cash grant ngayong Disyembre.

Sa ilalim ng programa, makatatanggap ang mga benepisyaryo ng R2,400 pinansiyal na tulong para ngayong 2018, at R3,600 grant para sa taong 2019 at 2020.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang UCT ang pinakamalaking tax reform mitigation program sa ilalim ng kasalukuyang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law ng administrasyon.

Layunin nitong matulungan ang mahigit 10 milyong mahihirap na pamilya na maaapektuhan sa pagtaas ng excise tax sa mga produktong petrolyo at sweetened beverages.

-Ellalyn De Vera-Ruiz