Hindi bibigyan ng special treatment ang anak ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon, na naaresto ng mga awtoridad sa isang drug raid sa Naga City, Camarines Sur, kamakailan.

Ito ang tiniyak kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde.

Sinabi ng opisyal na simula nang madakip si Nicanor Faeldon, Jr., ay hindi nila ito binigyan ng VIP (very important person) treatment.

“He will be given due process and contrary to what other people are saying, there will be no special treatment. Everybody is being treated equally here,” pahayag ni Albayalde.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Matatandaang kabilang si Faeldon Jr. sa apat na natimbog ng mga awtoridad nang salakayin ang bahay ng ama ng kasintahan nito sa nasabing lungsod, noong nakaraang linggo.

Nauna nang ipinaliwanag ng PNP na mananagot pa rin sa batas si Faeldon Jr. dahil sa pananatili nito sa isang drug den, kahit nagnegatibo pa ito sa drug test.

Paliwanag ni Albayalde, nakasalalay sa korte ang kahihinatnan ng kaso ni Faeldon Jr.

“It is not on the result of the drug test which he is being charged, but he will be given due process,” sabi pa ni Albayalde.

-Aaron Recuenco