Napuno ng hiyawan at palakpakan ang mga opisina, paaralan, kabahayan at maging sa mga bangketa, nang ihayag bilang bagong Miss Universe 2018 ang pambato ng bansa na si Catriona Gray, sa grand coronation night ng patimpalak sa Bangkok, Thailand, na napanood nang live kahapon ng umaga.
Umulan ng mga pagbati sa social media para sa bagong Miss Universe mula sa mga sikat na personalidad, pulitiko, at ang mga Pilipino na nagbigay ng todong suporta sa buong paglalakbay ng pambato ng bansa sa kumpetisyon.
Ipinanganak sa Queensland sa kanyang Australyanong ama na si Ian Gray at Pinay na inang si Normita Ragas Magnayon na tubong Oas, Albay, pinahanga ni Catriona Elisa Magnayon Gray ang kanyang mga Alabayano na tumutok sa live broadcast ng Miss Universe kahapon.
Sa bayan ng Oas, nag-organisa ang lokal na pamahalaan ng public viewing sa isang covered court bilang suporta sa kanilang kababayan.
“Naglagay kami ng malaking screen para sa libreng panood ng Miss Universe. Noong ina-announce na ‘yung top 10, biglang dumami ‘yung tao at nung inanounce na ‘yung Miss Universe, ay si Catriona nga, nagsigawan at nagtatalon ‘yung mga tao. Pati ako, napasigaw at napatalon,” pagbabahagi ni Mayor Domingo Escoto, Jr.
Dagdag pa niya, nagpaplano na ang pamahalaang bayan ng homecoming para sa bagong Miss Universe.
Inilarawan naman ni Albay 2nd District Congressman Joey Salceda si Gray bilang isang “truly an Albayana” at “most prepared candidate ever.”
Samantala, agad ding nagpaabot ng pagbati ang Malacañang sa pagwawagi ni Gray.
“Ms. Gray truly made the entire Philippines proud when she sashayed on the global stage and showcased the genuine qualities defining a Filipina beauty: confidence, grace, intelligence and strength in the face of tough challenges. In her success, Miss Philippines has shown to the world that women in our country have the ability to turn dreams into reality through passion, diligence, determination and hard work,” pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
“Catriona’s crowning glory is placing the Philippines in the world map again for its beauty and elegance that matches the world-renowned attraction of the many scenic and mesmerizing islands in our country,” aniya.
Nagbigay din ng kanya-kanyang pagbati at papuri ang mga senador ng bansa sa pag-uwi ni Gray ng ikaapat na korona.
Pinuri ni Senate President Vicente Sotto ang performance ni Gray sa kumpetisyon.
“Congratulations of course. Her answer was superb. I think that, and the outstanding way she carried her gown was the final win. Her personality was there all along,” komento ni Sotto.
“We are all proud of Catriona being crowned miss universe. She is both bright and beautiful. She represents our collective values and aspirations as a people. I wish her all the best. Mabuhay ang kagandahan at talino ng Pilipina,” pahayag ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto
Pinuri naman nina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Sen. Francis Pangilinan ang naging sagot ni Gray sa final question and answer portion ng patimpalak.
“You made our country so proud of you and your answer in the final Q and A shows that not only do you have beauty but lots of Heart as well in caring for our under privileged children in the informal settlements in our country,” pahayag ni Zubiri.
“Congrats to our new Ms Universe! Wonderful answer on doing all we do for our children!” pagbabahagi ni Pangilinan sa Twitter.
Pasasalamat naman ang ipinaabot nina Sen. Grace Poe at Sen. Joel Villanueva para sa pagbibigay ng karangalan sa Pilipinas.
“A woman of style, substance and brave heart deserves the crown. Thank you for flying the Philippine flag high,” saad ni Poe.
“We extend our heartfelt congratulations and gratitude to Catriona Gray not only for bringing home the Miss Universe crown but also for giving our country so much pride and recognition,” ani Villanueva.
Habang nagpaabot din ng pagbati sina Sen. Risa Hontiveros at Sen. Cynthia Villar.
Hindi naman nagpahuli ang mga babaeng mambabatas na ipinagdiwang din ang pagkapanalo ni Gray at pinagpasalamat sa pagbibigay ng inspirasyon ng pagkakaisa at pag-asa sa bansa.
Si Gray ang ikaapat na Pinay na naging Miss Universe, kasunod nina Pia Wurtzbach (2015), Margie Moran (1973), at Gloria Diaz (1969).
-NIÑO N. LUCES, ROY C. MABASA, at VANNE ELLAINE P. TERRAZOLA