NAKATAKDANG magkaroon ng reunion sa iisang koponan sa susunod na PBA season ang mag-amang coach Boycie Zamar at Paul Zamar.

Ang nakababatang Zamar ay nakatakdang lumipat sa San Miguel kung saan isa sa mga assistant coaches ang kanyang ama mula sa Blackwater kapalit ng dalawang second round picks ng Beermen sa mga susunod taon.

Sa katunayan, bago pa matapos ang nakaraang 2018 Annual Draft ay sinasabing 0lantsado na ang nasabing trade kung saan magiging kapalit ni Zamar ang 2021 at 2022 second round picks.

Kapapasok pa lamang ni Zamar sa kampo ng Elite noong 2018 PBA Commissioner’s Cup buhat sa matagumpay nitong stint sa ASEAN Basketball League (ABL) sa koponan ng Mono Vampire ng Thailand.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Isa sya sa naging dahilan sa pag-angat ng performance ng Blackwater sa huling dalawang conferences ng katatapos na season kung saan nagtala sya ng averages na 10.14 puntos, 3.0 rebounds, 1.86 assists, at 0.71 sa pitong laro na inabot nya sa Commissioner’s Cup, at 9.56 puntos, 4.44 rebounds, 1.22 assists, 0.44 steals, at 0.11 blocks naman sa kabuuan ng season-ending Governors’ Cup.

Ang nasabing trade ang ikalawang deal na sinelyuhan ng Blackwater noong nakaraang draft day kasunod ng trade ng kanilang big man na si JP Erram sa NLEX kapalit ng mga first round picks na sina Paul Desiderio at Abu Tratter.

-Marivic Awitan