KINILALA ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBO) mula sa Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon and Palawan) para sa kanilang katangi-tangi aksiyon ngayong taon.

Mula sa mahigit 176 ARBOs ng rehiyon, 20 ang kinilala bilang “best performing cooperatives” base sa paglaki, kita, pamamahala, at pagpapanatili sa idinaos na DAR regional summit sa Hotel H2O sa Maynila, mula Disyembre 10 hanggang 12.

Pinarangalan din ng DAR ang sampung magsasaka ng National Certification II para sa Agroentrepreneurship ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA).

Sinabi ni Agrarian Reform Secretary John R. Castriciones na ang pagkilala ay patunay na ang kanilang mga paghihirap at pagtulong sa ahensiya at sa mga katuwang nitong ahensiya upang matulungang mapataas ang kita ng mga magsasaka at maiangat ang kanilang pamumuhay.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“Ang DAR ay may mandato, hindi lang land for the landless farmers, kundi bigyan din ng suporta ang ating mga farmers. Kung walang suportang ibibigay sa ating mga ARBOs, hindi po uunlad at tataas ang pamumuhay ng ating mga agrarian reform beneficiaries,” ani Castriciones.

Kabilang sa mga samahang pinarangalan ang CK Plus Multi-Purpose Cooperative, Mansalay Agriculture & Fisheries Development Cooperative; Narra Irrigators and Advocates Multi-Purpose Cooperative; San Miguel Farmers and Fishers Multi-Purpose Cooperative; Sta. Maria Agrarian Reform Community Cooperative; Samahang Gumagawa Tungong Tagumpay Multi-Purpose Cooperative; Lourdes Multi-Purpose Cooperative; Elvita Farmers Multi-Purpose Cooperative,; Tanikala ng Pagkakaisa Multi-Purpose Cooperative; at Mindoro Progressive Multi-Purpose Cooperative.

Pinarangalan din ang Bagtingon Upland Farmers Association of Land Occupants; Calma Socio Economic Multi-Purpose Cooperative; Agra Progreso Multi-Purpose Cooperative; Gloria Site; Tagumpay ng Curanta Free Farmers Cooperative; Samahan ng mga Manggagawa sa Balatasan; Samahan ng Magpapatubig ng Mansalay, Inc.; Samahan ng Nagkakaisang Kababaihan ng Matulatula; Malalong Multi-Purpose Cooperative; at ang Magdiwang Agrarian Reform Community.

Binubuo ang Mimaropa ng mga probinsiya ng Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan.

PR/PNA