NALAMAN namin sa huling Messenger chat namin ni Ogie Diaz na kahapon, Linggo, ang schedule ng pamimigay ni Liza Soberano ng grocery items sa homeless families o mga taong-lansangan.

Inabangan namin ang post ni Liza sa kanyang social media accounts, pero wala. Tinanong namin si Ogie kung natuloy.

Natuloy daw, kasama ni Liza ang tatay, stepmother at stepsister, pero walang ipo-post ang dalaga. “Ayaw niyang ipino-post ang charity works niya, Kuya Dindo, self-serving daw,” paliwanag ni Ogie.

Pero sinuwerte pa rin, kasi kumontak si Jerry Olea ng PEP na nagtatanong naman tungkol sa post at sinulat ko noong nakaraang taon mula sa tip ng taxi driver na nasakyan ko, na napadaan sa lugar na pinamigyan ni Liza ng groceries. Gumagawa rin ng kaparehong report si Jerry dahil may nagpadala sa kanya ng photos na nakatiyempo kay Liza kahapon sa bandang Aurora Boulevard at Balete Drive, Quezon City.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Bukod sa kagandahang humahalina sa lahat, ito ang mas malaking lamang ni Liza sa maraming artista, inner beauty.

Dati nang maganda pero lalo siyang pinagaganda ng mga nilalaman kanyang puso at kaluluwa. Pero mukhang may kinalaman ang ginagawang ito ni Liza sa pangungulila sa tunay na ina at mga kapatid na pinapangarap niyang maiuwi sa Pilipinas at tuluy-tuloy nang makapiling.

Kaya matatawag siyang “wounded healer”.

Nakakatuwa n a hindi binabago n g k a s i k a t a n a n g y o u n g a c t r e s s . Busy ngayon si Liza sa shooting ng unang pelikula nila ni Enrique Gil sa Black Sheep mula sa direksiyon ni Antoinette Jadaone.

Gumaganap si Liza bilang UP art student na may big dream, kabaligtaran ng character ni Enrique na peteks lang. May working title na Spoliarium, ito na muna ang unang tatapusin ni Liza habang inihahanda pa ang Darna ng bagong direktor na pumalit kay Erik Matti.

Si Jerrold Tarog, gumawa ng Heneral Luna at Goyo, ang magiging direktor ni Liza sa Darna.

-DINDO M. BALARES