TAPING pa lang ng Puso ng Pasko: The GMA Christmas Special ay nag-enjoy na ang mga fans na nakapanood, dahil nakita nila ang maraming Kapuso stars na nagtipun-tipon sa Studio 7 ng GMA Network.
Sa Ipadama ang Puso ng Pasko: The GMA Christmas Special na napanood kagabi, pinangunahan nina Jennylyn Mercado, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Tom Rodriguez, at Alden Richards sa isang gabing puno ng kantahan at sayawan.
Nagsama-sama ang mga artistang may mga ongoing teleserye sa network tulad ng cast ng Onanay, Asawa Ko Karibal Ko, My Special Tatay, Pamilya Roces, at Cain at Abel.
Naroon din ang mga may upcoming teleserye, like Kylie Padilla at Ruru Madrid; Therese Malvar, Kyline Alcantara, Migo Adecer; Barbie Forteza, Jak Roberto, Mika dela Cruz, at Paul Salas.
At hindi puwedeng mawala ang Kapuso singers na sina Christian Bautista, Julie Anne San Jose, Mark Bautista, Hanna Prescillas, ang Clashers like Golden Canedo, Garrett Bolden, Josh Adornado, Mirriam Manalo, Anthony Rosaldo, at iba pa.
Nakisaya rin sina Ai Ai delas Alas, Eugene Domingo, at Michael V. Naghandog ng special Christmas message sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Dennis Trillo, ang cast ng Eat Bulaga, Daig Kayo Ng Lola Ko, Daddy’s Gurl, Sunday PinaSaya, IBilib, Unang Hirit, gayundin ang mga nangungunang personalidad sa GMA News & Public Affairs like Jessica Soho, Mike Enriquez, Mel Tiangco, Arnold Clavio, Vicky Morales at Howie Severino.
-Nora V. Calderon