NALASAP ni Woman FIDE Master Allaney Jia G. Doroy (Elo 1972) ang mapait na kabiguan sa 17th Asian Continental Chess Championship (2nd Manny Pacquiao Cup) Biyernes ng gabi sa Tiara Oriental Hotel sa Makati.

Ang 33th seed Doroy, isa sa top players ni National University (NU) Team Manager Samson Go, ay yumuko kontra kay 16th seed Woman International Master Tianlu Gu (2231) ng China.

Bunga ng pagkatalo, napako si Doroy sa 3.0 points at mahulog sa 18th hanggang 23rd place sa grupo ng mga kababayan na sina WGM Janelle Mae Frayna (2228) at WFM Shania Mae Mendoza (2165).

Dahil sa natamong tagumpay, pumatas si Gu sa kartada sa 4.0 points tungo sa pag-akyat sa 3rd hanggang 10th place.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ginapi ni Woman International Master Jan Jodilyn Fronda (2139) si WFM Aashna Makhija (2181) ng India para maka gatecrash sa 7-player na magkasalo sa 11th place na may tig 3.5 puntos.

Dinurog ni IM Rout Padmini (elo 2345) ng India si WGM Qianyun Gong ( 2312) ng Singapore para manatili sa ituktok ng liderato na may 5.5 points habang pinayuko naman ni WIM Jiner Zhu (2409) ng China si WGM Thi Bao Tram Hoang (elo 2314) ng Vietnam para makopo ang solo second place na may 4.5 points.

Nakipaghatian naman ng puntos si IM Ricardo De Guzman (elo 2357) kontra kay GM Zhongyi Tan (elo 2508) tungo sa total 3.0 points sa men’s division, iskor ding naitala ng mga kababayan na sina GM Rogelio “Joey” Antonio Jr. (elo 2431), GM John Paul Gomez (elo 2450) at FM Mari Joseph Turqueza (elo 2305).

Pinigilan ni GM Vidit Santosh Gujrathi (elo 2701) ng India si overnight solo leader GM Surya Shekhar Ganguly (elo 2621) ng India para makapuwersa sa eight way-tie for first place na may tig 4.5 points na kinabibilangan nina Ganguly,GM Wei Yi (elo 2728) ng China, GM S. P. Sethuraman (elo 2664) ng India, GM Nodirbek Abdusattorov (elo 2546) ng Uzbekistan, GM Nguyen Ngoc Truong Son (2641) ng Vietnam, GM Amin Tabatabaei (elo 2587) ng Iran at top seed GM Wang Hao (2730) ng China.

Makakasagupa naman ni Vince Angelo Medina (elo 2137) si Alexis Emil Maribao (elo 2053) sa seventh round ng challenger’s section. Si Medina na dating National University mainstay ni team manager Samson Go ay umibabaw kay National Master Carlo Magno Rosaupan (elo 2044) sa sixth round. Ito ang ika-anim na sunod na panalo ni Medina para hawakan ang pangkahalatang liderato.