MAGAAN ang panalo ni WBA at WBC middleweight champion Saul “Canelo” Alvarez na umabot lamang ng tatlong round sa pagpapaluhod kay WBA super middleweight titlist Rocky Fielding nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Tinanghal si Alvarez na ikaapat na Mexican sa kasaysayan na nagkampeon sa tatlong dibisyon sa boksing kahapon sa Madison Square Garden sa New York, United States.

“WBA/WBC middleweight champion Canelo Alvarez moved up a division to dethrone WBA super middleweight champion Rocky Fielding by third round KO on Saturday night at Madison Square Garden in New York City,” ayon sa ulat ng Fightnews.com. “The much shorter Canelo went to work right away dropping Fielding in round one with a crunching left hook to the body. Rocky was down a second time in round two from another Canelo left hook to the body,” dagdag sa ulat. “Canelo continued to overwhelm Fielding dropping him twice in the third, finishing him with a left hook to the body. The referee waved off the bout at 2:38 of the third.”

Napaganda ni Alvarez ang kanyang kartada sa 50-1-2 na may 34 panalo sa knockouts samantalang bumagsak ang kartada ni Fielding sa 27 panalo, 2 talo na may 15 pagwawagi sa knockouts.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

-Gilbert Espeña