DASAL ang panawagan ni Miss Philippines Catriona Elisa Gray para sa ikatatagumpay ng kanyang laban sa 2018 Miss Universe bukas.

Catriona copy

“Next time the sun rises, the Universe will be upon us. Less than 24 hours to go to @missuniverse! Keep sending me prayers mga kababayan!” post ni Catriona sa Instagram kaninang umaga. “Stand with me prayer warriors.”

Nangako ang 24-anyos na kandidata na ibibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya para sa patimpalak.

Tsika at Intriga

Anak ni Roi Vinzon, muntik na ring pagsamantalahan ng 2 inireklamo ni Sandro?

“I’m really going to give my best. I just pray that the judges really get a sense of who I am because we are on stage. I believe an aspect of luck is there. If it’s your time, it’s your time. It’s someone’s fate, someone’s destiny.”

Ibinahagi rin ng beauty queen mula sa Oas, Albay na kinilig siya sa natanggap niyang komento mula sa supermodel na si Tyra Banks makaraan ang kanyang kahanga-hangang performance sa 2018 Miss Universe preliminary competition.

“Totoo ba ito! And when I read, ‘Oh my God!’ It’s just wow! And when one of the Indian newspapers published you’re walk, this is insane,” pagbabahagi ni Cat sa isang exclusive interview ng host na si MJ Marfori ng TV5 sa Bangkok.

“I mean....Pinoy Power to the Max!!!” komento ni Tyra, host ng sikat na US reality show na America’s Next Top Model sa Twitter tungkol sa performance ni Catriona sa prelims.

Pinagkaguluhan ng mga pageant fans ang viral ngayon na slow-mo twirl ni Catriona sa swimsuit preliminary round ng kumpetisyon nitong Disyembre 13.

Naniniwala ang mga pageant critics na mahihirapang mapantayan ng successor ni Catriona sa Bb. Pilipinas pageant ang naging tagumpay niya sa pageant world.

“I would still be there definitely as a sister, to guide her. It will come from the girl. It will all depend on the strength of the girl, what’s her vision if there’s any,” ani Cat.

Samantala, nagbigay din ng reaksiyon si Catriona sa kontrobersiyang kinasangkutan ni Miss USA nang ‘tila kutyain nito ang mga Asian candidates na hindi nagsasalita ng Ingles.

“Don’t based your judgement on one thing. It might have been taken out of context. It might have been stated in a different way. We’re in big groups. I see them together, they’re all friends. So I wouldn’t even know if there was a controversy. There was no sign whatsoever,” pahayag ng Filipino-Australian beauty queen.

Kung sakaling makapasok sa Top 10 ng patimpalak, ito na ang ikasiyam na sunod na taon na pumasok sa semis ang pambato ng Pilpinas.

Simula 2010, naging sunud-sunod ang pagpasok ng mga kandidata ng Pilipinas sa semis ng Miss Universe. Kabilang dito sina Ma. Venus Raj (2010, 4th runner-up), Shamcey Supsup (2011, 3rd runner-up), Janine Tugonon (2012, 1st runner-up), Ariella Arida (2013, 3rd runner-up), Mary Jean Lastimosa (2014, Top 10), Pia Alonzo Wurtzbach (2015, Miss Universe), Maxine Medina (2016, Top 6), at Rachel Peters (2017, Top 10).

Nananatili namang hawak ng Venezuela ang world record para sa most consecutive Top 10 appearance sa 21 nitong semi-finalists simula 1983 hanggang 2003. Kasunod nito ang India sa 12 consecutive Top 10 finalists mula 1991-2002.

-ROBERT R. REQUINTINA