Matapos manalo sa kanyang huling laban, ang dating ONE Featherweight World Champion Honorio “The Rock” Banario ay nagkaroon ng opurtunidad na magawa ang matagal na niyang pinapangarap.

Nitong huling Miyerkules, Disyembre 5, ang 29 anyos na laking Mankayan, Benguet ay naabot ang tuktok ng Mount Pulag, ang pangatlong pinakamataas na bundok sa Pilipinas.

May taas na 9600 feet above sea level na nasa mountain range ng Benguet, Ifugao at Nueva Vizcaya, ang temperature ay umaabot ng zero o subzero level lalo na tuwing Disyembre hanggang Pebrero.

Bilang self-professed hiking enthusiast, inamin ni Banario na hindi niya makakalimutin ang pagakyat niya sa tuktok ng Mount Pulag.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Reaching the top of Mount Pulag has always been my dream ever since I was a kid,” sabi niya

“Mountain hiking has kept me close to my motherland. I grew up surrounded by beautiful mountains, and exploring them is such an invaluable experience.”

Kilala bilang the “Playground of the Gods,” ang Mount Pulag ay bahay ng mga kakaiba at nanganganib na uri ng bulaklak ng ating bansa tulad ng dwarf bamboo at mga hayop tulad ng cloud rat, kock’s pita, serpent eagle, Philippine deer at Philippine pig.

Ang lugar ay pinamamahayan ng mga ethnic tribes tulad ng Ibaloi, Kalanguya, Kankana-ey at Ibanag at ang mga tribong ito ay kinikilala ang Mount Pulag bilang isang sagradong lugar dahil ito ang naging huling hantungan ng kanilang mga ninuno.

Sikat ang Mount Pulag sa kanyang Sea of Clouds at matatanaw din ang Milky Way Galaxy tuwing madaling araw. Hindi pinalampas ni Banario ang bawat sandal sa kanyang bakasyon kasama ang iba pang turista na nais din masilayan ang nakamamanghang tanawin mula sa tuktok ng bundok.

"Mount Pulag is a destination for adventurous hikers with strong determination. The early morning sunrise above the clouds is something that you will treasure," pahayag niya.

“Its beauty cannot be captured by pictures and videos. You have to see it with your own eyes. The mountain air makes the experience so complete.”

Dahil sa busy schedule bilang isang mixed martial artist, hinayag ni Banario na ang pagkakaroon ng bakasyon ay nakatutulong sa kanya upang makapagahinga mula sa training at magkaroon ng payapang pag-iisip.

“Fighters need some time to relax and enjoy. This kind of adventure helps me to recharge and get the energy I need for my training,” paliwanag niya.

“I’m planning to do it again next year, but this time, I’ll bring my Team Lakay brothers,” sabi niya. “I want them to feel and see the magical view from the top of Mount Pulag.”