Lalo pang dumarami ang kaso ng dengue na naitatala ng Department of Health (DoH) sa bansa, kabilang dito ang nasa 907 nasawi sa naturang sakit.

Batay sa huling datos na inilabas ng DoH-Epidemiology Bureau, nabatid na mula Enero 1 hanggang Nobyembre 17, 2018 ay umakyat na sa 179,540 ang kaso ng dengue na naitala ng kagawaran.

Mas mataas ito ng 33 porsiyento sa dating naitalang kaso sa kaparehong panahon noong 2017, na umabot lang sa 135,166.

Maging ang bilang ng mga nasawi sa dengue ay tumaas rin: mula sa 710 namatay sa dengue noong 2017, pumalo na sa 907 ang dengue deaths ngayong taon.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Central Luzon pa rin ang may pinakamaraming naitalang kaso ng dengue, na umabot sa 27,493, kasunod ang Metro Manila, na may 23,962 kaso; Calabarzon, 21,707 kaso; Central Visayas, 14,246 kaso; at Western Visayas, na may 13,822 kaso.

Bahagya namang dumami ang na-dengue sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Region 4B, Northern Mindanao, at Eastern Visayas.

-Mary Ann Santiago