CARRANGLAN, Nueva Ecija – Dead on the spot ang isang maglolo nang sumemplang ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Carranglan, Nueva Ecija, kamakailan.

Ang dalawang nasawi ay nakilalang sina Rufino Lagisla, 63; at Adamson Mallari, 12, ng Bgy. Joson, Carranglan.

Sa imbestigasyon ng Carranglan Police, patungong Gapan Cityang maglolo, sakay sa motorsiklong minamaneho ni Lagisla, upang makipiyesta.

May teorya ang pulisya na nawalan ng kontrol si Lagisla sa minamanehong motorsiklo.

-Light A. Nolasco

Probinsya

Karne ng aso, positibong inihahain sa restaurant sa Benguet!