CAMP OLA, Albay – Kinasuhan na ng murder ang tatlong suspek sa pamamaslang sa hard-hitting radio commentator na si Joey Llana sa Daraga, Albay, limang buwan na ang nakararaan.

Ayon kay Senior Insp. Mayvell Gonzales, tagapagsalita ng Albay Police Provincial Office (PPO), kabilang sa kinasuhan sa Office of the Provincial Prosecutor ng Albay sa Legazpi City, si Erwin Talagtag, at dalawang lalaking hindi pa nakikilala.

Isinagawa ang pagsasampa ng kaso kasunod ng pagsalakay ng mga awtoridad sa bahay ni Talagtag sa Purok 4, Barangay Alongong, Libon sa lalawigan, noong Agosto 10, 2018.

Paliwanag ni Gonzales, nasamsam sa bahay ni Talagtag ang isang .45 caliber pistol at mga bala nito, na nagtugma naman sa mga basyong narekober sa crime scene.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Matatandaang pinagbabaril at napatay si Llana ng mga hindi nakikilalang lalaki habang patungo sa kanyang trabaho, noong Hulyo 20, 2018.

-Niño N. Luces