ALL praises ang Kapuso veteran comedian-TV host na si Vic Sotto sa Kapamilya star na si Coco Martin, na magkasama pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles, na entry nila sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Coco

Sinabi ng Eat Bulaga! host na deserve ng Ang Probinsyano actor ang kasikatan at tagumpay na tinatamasa nito ngayon.

Pahayag ni Vic sa naganap na presscon last weekend, “Si Coco nu’ng magkasama sa kami, meetings pa lang and all that, sa principal photography, sa shooting, nakita ko na kung bakit siya very successful.

Tsika at Intriga

Baron Geisler, lagi raw may kontak sa anak niya kay Nadia Montenegro

“He deserves what he is right now. Kung ano man ang narating niya ngayon, from where he was, kung ano siya ngayon, he deserves it dahil nakita ko ang sipag niya sa trabaho.

“’Yung puso niya sa trabaho. ‘Yung passion niya sa trabaho.”

Si Coco ay nagsimula bilang bit player hanggang sa makilala siya sa indie films. Umarangkada nang husto ang kanyang career nang mapanood siya sa mga teleserye ng ABS-CBN.

Ayon pa kay Vic, perfectionist din si Coco sa mga eksena nila habang ginagawa ang pelikula.

Saad ng Daddy’s Gurl star, na kilala sa showbiz sa tawag na Bossing, “hindi puwede sa kanya ‘yung ‘Okay na ‘yan,’ ‘Ayos na ‘yan,’ hindi.

“Kailangang perpekto, perpekto ‘yung mga eksena, pati ‘yung mga dialogues.

“Nakita ko ‘yung passion sa trabaho, hindi maarte sa trabaho at more importantly, ‘yung pakikisama sa tao.

“Nakita ko ‘yun, kung gaano niya kamahal ‘yung mga katrabaho niya kahit sino.

“May malasakit siya sa kapwa.”

Dahil daw sa nabuo nilang pagkakaibigan, birong sabi ni Vic, “Nag-a-I-Iove-you-han na kami.”

Bukod kina Vic at Coco, kasama ring bida sa pelikula ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza

-ADOR V. SALUTA