SENTRO na usapan ang tagumpay ng Philippine Team sa dalawang international tournament sa ilalargang 4th ‘Usapang Sports” ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayon sa National Press Club (NPC) sa Intramuros, Manila.

Nakatakda ang public forum ganap na 10:00 ng umaga. Tiniyak na ibibida ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner and Chef de Mission Charles Raymond Maxey ang naging kampanya ng Team Philippines sa katatapos na 10th Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines-Northern Territory-East Asian Growth Area Friendship Games sa Brunei.

Naiuwi ng Team Philippines, kinatawan ng mga atleta mula sa Davao at Palawan, ang kabuuang 13 ginto, 14 silver at 17 bronze sa tatlong araw na torneo. Inaasahang ibibigya din ni Maxey ang detalye para sa 2020 hosting ng Davao City sa ika-11 edisyon ng torneo.

Magbibigay naman ng update ang Philippine Swimming League (PSL), sa pangunguna ni Chairman Sen.Nikki Ciseteng, kasama sina swimming sensations Marc Bryan Dula at Micaela Jasmine Mojdeh sa pagsabk sa 2018 Hamilton Aquatics Winter Long Course Swimming Championships sa Hamilton Aquatics Center sa Dubai, United Arab Emirates.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sina Dula at Mojdeh ang ipinapalagay na ‘Philippines next swimming sensation’ bunsod nang tagumpay sa iba’t ibang torneo sa abroad.

Ang TOPS ay binubuo ng mga sports editors, writers at photographers mula sa tabloid newspaper sa bansa at itinataguyod ng NPC sa pamumuno ni Rolando “Lakay” Gonzalo.