MAAGANG pinasaya ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang Pasko ng mga batang alaga nila sa advocacy niya na @SmileTrain, ang mga batang bingot o may cleft lip or cleft palate. Tinipon nila ang mga bata sa Prime Hotel PH in Quezon City para sa maagang Christmas celebration.
Caption ni Marian sa kanyang Instagram wall: “There are many ways to spread the love I get from everyone in my life. At the end of the day, it’s not about what we have or accomplished but it’s about what we’ve been given back.
“This year has been nothing but good to me, and this season it’s time to share our blessings through Marian’s Closet. @smiletrainph @ closetbymarian #YANangsmile.”
Nanawagan din si Marian sa mga magulang o may kakilala na mga batang may cleft lip/ cleft palate.
“@marianrivera Smile mo share mo... May kilala ba kayong may cleft lip/cleft palate na hindi naooperahan o may kailangan ng speech therapy? Refer n’yo lang po sa Smile Train.
“Libre ang pagtawag mula sa PLDT/SMART sa 1-800-1-888-7246. Libre rin mag-text mula sa Globe/ TM 2158 NGTI (2158 6484 o mula sa Smart/ TNT/Sun: 2929 058 NGTI (2929 058 6484. #YAN ang smile. #ShareYourSmile #FreeSurgery.”
May personal na po kaming karanasan sa Smile Train, dahil once na kaming nag-refer sa kanila ng anak ng isang kaibigan. Madali ang response nila, at walang aalalahanin kasi nga libre ang surgery.
Mababait ang namamahala sa Smile Train at may follow-up pa sila kapag natapos na ang surgery.
Kaya pangitiin po natin ang mga anak o kakilala natin na may cleft lift/cleft palate ngayong Pasko, at sa mga darating pang araw.
-Nora V. Calderon