NGAYONG Friday, December 14, na ang finale episode ng romantic-comedy-drama series na Pamilya Roces, na tinampukan ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz and another beauty-queen, si Elizabeth Oropesa, na parehong asawa ni Roi Vinzon sa story.

Cast ng 'Pamilya Roces'

Siyempre pa, malungkot sila dahil magkakahiwa-hiwalay na sila. Sa ilang buwan ding magkakasama, lagi silang masaya sa set, walang intriga, at magkakasundo silang lahat.

Idinirek ni Joel Lamangan, na kilalang very strict director, nagbigay ng sagot ang cast nang tanungin sila kung naging dahilan ba siya para mas lalong pagbutihin ng cast members ang kanilang pagganap sa Pamilya Roces.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Tampok din sa teleserye sina Carla Abellana, Jasmine Curtis Smith, Gabbi Garcia, Sophie Albert, Shaira Diaz, Katrina Halili, Rocco Nacino, at Christian Bautista.

Si Carla, hindi raw siya nag-worry nang malamang direktor nila si Joel Lamangan dahil sanay na siyang makatrabaho ito.

Si Jasmine, nagustuhan niya ang work ethics ni Direk Joel.

Si Gabbi, dahil daw kay Direk Joel ay lagi silang on their toes pagdating sa work, walang issue sa kanila.

Si Sophie, sinabing strict lang daw si Direk Joel, pero appreciated nila the way he works at mami-miss daw nila ito.

At si Shaira, iyong takot daw nila kay direk ang naging dahilan kaya lahat sila ay nag-behave while working.

S i K a t r i n a n a m a n a n g kinaiinisan ng netizens sa serye, dahil ito raw ang p a s i m u n o ng gulo sa pamilya. Sumagot man si Katrina sa bashings ng mga netizens, pero ang pagtatrabaho raw nila with the senior stars ang nakatulong para mas mapaganda nila ang show.

Pero sa pamamagitan ng serye, may aral daw silang nakuha:

“Madalas pamilya pa ang pinag-uugatan ng mga problema natin, pero sa huli, sila pa rin ang sasalo sa atin,” sabi ni Carla.

“Na kahit ano pa ang mangyari, ang pamilya mo – kadugo man o hindi, nandyan kayo para sa isa’t isa,” say naman ni Jasmine.

Ayon kay Gabbi: “Kahit anong mangyari, your parents will always be there to protect you.”

Sophie: “I learned the importance o acceptance ang that the love of family is like no other.”

Shaira: “Pinakaimportanteng lesson, ‘yung pagpapahalaga sa pamilya. Importante na dapat meron tayong respect sa pamilya natin, manaig dapat lagi ang tama at pagmamahalan sa isa’t isa.”

Katrina: “Minsan hindi isa lamang ang family mo, ang mahalaga nagkakaintindihan, nagmamahalan. At the end of the day, family will always be your home.”

Rocco: “That your family will always be your backbone, anumang kasalanang nagawa mo, patatawarin ka at tatanggapin muli.”

Christian: “The show teaches us that no matter how different we are, we should do our best to respect and love family.”

Bukas na ang final episode ng Pamilya Roces, pagkatapos ng Onanay, sa GMA-7.

-Nora V. Calderon