DUPLIKAHIN ang tagumpay sa mga international stints ang siyang target ng mga beteranong wushu players na sina Agatha Wong at Daniel Parantac sa kanilang pagsabak sa Southeast Asian Games sa susunod na taon sa Manila.

Pitong gintong medalya ang iniuwi ng wushu team sa nakaraang Asian Traditional Wushu Championship na ginanap sa Nanjing, China noong Nobyembre 26 hanggang Disyembre 1 kung saan tatlo dito ay bitbit nina Wong at Parantac.

“Mas focused kami sa SEA Games dahil this is a major event since dito ito gagawin,” ayon kay Parantac.

Handa naman umanong makipagsapalaran si Wong habang nakakapagbigay siya ng karangalan para sa bansa sa kabila ng kanyang iniindang injury.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“I’m going to compete as much as I can to give pride and honor to the country,” pahayag ng 20-anyos na si Wong.

Hindi umano magiging madali para sa dalawa ang kanilang pagsabak sa darating na biennial meet gayung, kahit nasa homecourt sila ay malaki ang magiging pasanin nila bilang heavy favorite.

“The factor of support system is good, pero during performance I try to set it aside and focus on my form,” sambit ni Wong.“I tried not to think about it. It’s good din naman to have a support system, but sometimes that support system can distract you. So it depends on how you adjust to it,” aniya.

“Yung pressure madadagdagan. Siyempre nag-e expect mga tao na mananalo ka. So we have to combat that feeling,” pahayag ng 28-anyos na si Parantac.

Pinakamabigat na makakalaban sa biennial meet ay ang mga bansang Vietnam,Singapore, Malaysia, Indonesia at Myanmar .

“Yung mga yan ang malakas especially sa taolu (form).But when it comes to sanda (combat) no. 1 and 2 and Vietnam and Philippines,” ayon kay Parantac.

-Annie Abad