Sa ikatlong pagkakataon, inaprubahan ng Kongreso, sa isang joint session, ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang batas militar at suspendihin ang writ of habeas corpus sa Mindanao simula Enero 1, 2019 hanggang December 31, 2019.

AYAW! Nagprotesta sa labas ng Kamara de Representantessa Batasan, Quezon City, ang iba’t ibang grupong militante at mga katutubong Lumad para kondenahin ang pagpapalawig pa ng isang taon sa umiiral na batas militar sa Mindanao.  (ALVIN KASIBAN)

AYAW! Nagprotesta sa labas ng Kamara de Representantessa Batasan, Quezon City, ang iba’t ibang grupong militante at mga katutubong Lumad para kondenahin ang pagpapalawig pa ng isang taon sa umiiral na batas militar sa Mindanao.
(ALVIN KASIBAN)

Matapos ang mahigit tatlong oras na deliberasyon, may kabuuang 235 mambabatas ang bumoto pabor sa pagpapalawig muli ng martial law (Proclamation No. 216), habang 28 ang tumutol, at isa ang nag-abstain, o hindi bumoto.

Bumoto ang Senado ng 12-5, na may isang abstention, habang ang boto ng Kamara ay 223-23.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

“The further extension of martial law and the suspension of the he privilege of the writ of habeas corpus will enable the AFP, PNP and all other law enforcement agencies, to finally put an end to the ongoing rebellion, continue to prevent the same from escalating in other parts of the country, and hopefully avoid a catastrophe similar to what happened in Marawi City,” sabi ni Majority Leader at Camarines Sur Rep. Rolanda Andaya Jr.

Tinukoy ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang nagpapatuloy na “actual rebellion” bilang dahilan sa panukalang palawigin pa ang batas militar sa Mindanao.

“Actual rebellion still clearly persists in Mindanao. Public safety necessitates further extension of the martial law period and the suspension of the writ of habeas corpus,” ani Medialdea.

Aniya, nagpasya si Duterte na palawigin ang martial law batay sa ebalwasyon at rekomendasyon ng Department of National Defense (DND), militar at pulisya

-CHARISSA M. LUCI-ATIENZA