ISANG espesyal na concert ang inihanda ng music icon na si Jose Mari Chan sa bagong St. Padre Pio Church.

Jose Mari Chan

Pinamagatang Jose Mari Chan: Going Home To Christmas, ito ay gaganapin sa Sabado, December 15, 7:30 PM sa St. Padre Pio Church located in Garnet Street, Severina Subdivision, Km. 18 West Service Road sa Parañaque City.

Kilala sa kanyang mga classics tulad ng Constant Change, Tell Me Your Name, Beautiful Girl, Please Be Careful With My Heart at ang sikat na sikat na Christmas In Our Hearts, ipinapangako ni Jose Mari sa mga manonood na mag-e-enjoy silang lahat dahil aawitin nya ang mga nabanggit na kanta, pati na ang ilan mula sa kanyang recently released Christmas album.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang konsiyerto ni Jose Mari ay isang fundraising event para sa St. Padre Pio Church upang siguraduhin ang iba pang kakailanganin pondo para makumpleto ang pagpapatayo ng simbahan.

Kakasya sa naturang simbahan ang nasa 600 persons and shall service the pastoral needs of about 23,000 parishioners. Layunin din na maideklara itong Diocesian Shrine balang araw. Si Rev. Father Marcelo Arturo Morota ang parish priest dito.

Para sa mga nais manood ng fund-raising concert na ito, tawagan si Nenita Ayon sa 0917-8349300.

Para naman sa mga nais mag-donate, mag-deposit sa Bank of the Philippine Islands with account name RCBP-St. Pius of Pietrelcina Padre Pio Parish (construction), Philippine Peso checking account no. 8241-0056- 16, US Dollar savings account no. 8244-0158-41, swift code BOPIPHMM.