MORE than three years nang kilala ni comedian-actor-TV host Vic Sotto si phenomenal star Maine Mendoza, dahil most of the time ay gumaganap silang mag-ama na nagsimula sa kalyeserye ng Eat Bulaga, sa mga TV specials na ginagawa nila sa longest-running noontime show, sa sitcom na Daddy’s Gurl at ngayon, mag-ama uli sila sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles kasama si Coco Martin, na entry nila sa 44thMetro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula na sa December 25, Christmas Day.
Sino si Maine Mendoza para kay Bossing Vic?
“Para sa akin, she’s a natural actress,” sagot ni Vic. “Alam naman natin kung paano siya nagsimula sa ‘EB’ three years ago, iyong sabi niya alam lamang niya lukutin ang mukha sa pagda-dubsmash niya, pero every time na bibigyan mo siya ng role, maayos niyang nagagampanan. Naniniwala ako na she’s very talented, dahil kung wala siyang talent, hindi siya magugustuhan ng mga fans, na napakarami, at mga kasama niya sa work. Isa pa kasing katangian ni Maine, mabait siya, mabait siya sa mga tao kaya maraming nagmamahal sa kanya. Pero ang isa pang bilib ako kay Maine, mahusay siya sa timing ng pagpapatawa at kahit sa pagdadrama, may timing siya.”
Gaganap muling mag-ama sina Vic at Maine sa festival movie ng CCM Film Productions ni Coco Martin, APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera at ng M-Zet Productions ni Vic Sotto.
Nakumusta rin si Maine tungkol sa ginawa niyang aksyon sa pelikula.
“Na-excite po ako nang malaman kong mag-aaksyon naman ako sa movie, hindi na pabebe ang character ko,” natatawang sagot ni Maine. “Nagkaroon din po ako ng training dahil nga pulis kami ng tatay ko, ako ‘yung very protective na anak na kung minsan, mas gusto ko pang ako ang gumawa ng assignment niya para lamang ma-assure ko na ligtas siya. Enjoy po ako sa shooting at sa mga eksenang medyo mahirap, lagi pong naroon si Bossing at si Coco para mag-guide sa akin.”
Napangiti si Maine nang sabihin sa kanyang isa siyang phenomenal star.
“Nahihiya pa rin po ako kapag tinatawag akong ganoon, kasi nang pasukin ko ito, gusto ko lamang matupad ang wish ko noon na makita ako sa telebisyon, kasi nga hindi ako marunong umarte, hindi marunong kumanta, kaya nagpapasalamat ako sa lahat ng suportang natatanggap ko sa mga fans at sa lahat ng mga taong nakakatrabaho ko.”
Ang Jack Em Popoy:The Puliscredibles
-NORA V. CALDERON