PAGKALIPAS ng sampung taon, ngayon lang uli gumawa ng movie si Anne Curtis na intended for the 44th Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Disyembre.

Anne Curtis

In the 2008 MMFF pa ginawa ni Anne ang first festival entry niya na Baler. Ngayon, ang ginawa naman niya ay may titulong Aurora, pero hindi ito sa Quezon. Ang Aurora ay pangalan ng isang barkong lumubog, na ang kabuuan ng pelikula ay kinuhanan sa Batanes Islands.

Isang suspense-thriller-horror movie ang Aurora, na idinirehe ng Pinoy-Hollywood director na si Yam Laranas.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Hindi tumanggi si Anne sa Viva Films at Aliud Entertainment nang i-offer ang movie, at in-enjoy niya ang maaga nilang pagsisimula ng shooting nito, kasabay ng pag-e-enjoy niya sa beauty ng Batanes.

“It’s a breath of fresh air, iba sa mga napanood ninyong mga movies na ginawa ko this year, balik ako sa horror genre,” sabi ni Anne.

“Bale pangatlo ko na itong horror movie, una ang Ika-13 Kapitulo, sinundan ng Huwag Kang Liligon. But this is different din sa dalawang nauna kong ginawang horror movie. Hindi ito sumisigaw.

“This isn’t a scream fest film but it will give you ‘that’ feeling. If you know what I mean. So the family that loves watching horror films can definitely watch together on December 25 because we were given a PG (Parental Guidance) classification by the MTRCB. You can watch our official trailer at the Facebook page of Aurora.”

Magsisimula ang kuwento ng Aurora nang isang barko ang lumubog malapit sa island nina Leana (Anne) at ng eight-year old sister niyang si Rita (Phoebe Villamor). Maraming dumating na tao roon, nagbabaka-sakaling nakaligtas ang mga mahal nila sa buhay. Iyong iba, willing na magbayad ng malaking halaga makuha lang kahit ang bangkay ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ayaw sana ni Leana, pero naaawa siya sa mga pamilya ng mga namatay at sa pakiusap na rin ng kapatid niyang si Rita, kaya tumulong siya.

Pero kung makuha ni Leana ang mga bangkay, ano ang susunod na mangyayari?

Kasama rin ni Anne sa movie sina Marco Gumabao at Allan Paule.

Showing na ang Aurora in cinemas nationwide, simula sa December 25, Christmas Day!

-Nora V. Calderon