ITINANGHAL na grand winner sa unang taon ng Dr. Love Christmas Carol competition ang Wesleyan Chamber Singers, mula sa Nueva Ecija. Nakuha nila ang pinakamataas na rating na 81% mula sa tatlong iginagalang na hurado na sina Prof. Eugenio delas Santos OP, Maestro Ermenigildo Lamera, at ang Asia’s Diva na si Dulce.

Good blending of voices, symmetry in music at strong impact sa listeners ang naging edge ng Wesleyan Chamber Singers sa iba pang choir group na lumahok sa kumpetisyon. Tumanggap sila ng P35,000 cash at gift certificates mula sa management ng DZMM.

Sa finale number naman ay inawit ni Dulce ang Oh Holy Night kasama ang chorale group.

Ang singing competition ay bahagi ng 21st anniversary ng Dr. Love Radio Show at mula ngayon ay taunan na itong idaraos, ayon kay Bro. Jun Banaag, na may idea ng proyekto.

Tsika at Intriga

Mark Herras, tinawag na 'inutil' mga nang-intriga sa viral na pag-iyak niya

-Remy Umerez